Monday, December 25, 2017

#BiyaherongPuyat


Dami kong narealized after ng Christmas Eve, ang swerte ko pala - dahil sa dami ng mga kwentong aking maibabahagi, daming pakikipagsapalaran at labanang walang katapusan. Narealize ko sa haba ng panahon pinipilit kong maging influential sa language na di naman ako comfortable, don't get me wrong but it seems like na pinipilit ko lang sa English ang mga blogpost ko, which is pwede ko namang gawing taglish to make it easier for me to express my thoughts and adventure. [Na-Inspire talaga ako ni Bimbi hahaha]
Patapat Viaduct, Pagudpud, Ilocos Norte
Back in September, I and my barkada went to Ilocos Region for like 2 days and 1 night escapade. Umalis kami ng late thursday evening, pick up point: Mall of Asia, Pasay City. Around 9:00 evening. Kasama ko sa biyahe ang mga college friends ko. Very Supportive brother Mark "Kim", Bubbly with a little bit of spice, Samantha. Gorgeous Flat, Resie and Feeling Soccer Player, Daniel [wala na akong maisip na name para saiyo]. 

[Left to Right] Daniel, Resie, Sam, Mark at Ako 
Dahil first time kong magtravel kasama ang barkada at first time namin ang mag travel package, medyo kabado at the same time excited. Sa dami ng activities, sobrang memorable ng first and looking forward para sa mas maraming escapade. Di ko malilimutan ang taho ni kuya, "Kuya puro sago lang po?" for real, kuya is about to give us a cup of tapioca. The experience of meeting great people like Kuya Patrick, Kuya Nier and Ate Alex, giving us pieces of advise about facing individual lives, love struggle and personal endeavor. Minsan sa di mo inaasahang tao mangagaling at sa mga estranghero mo maririnig ang katagang "Ako nga nasaktan na't lahat pero eto lumalaban pa rin. Baka hinulma lang talaga ako para maging palaban" Ate Alex. Thank you sa Travel 8 Tours [www.triple8travel.com] for safe and memorable travel experience. 10 Stars kayo for this Escapade. Bawat isa sa atin may kwentong maibabahagi at may aral na mapupulot, ang mahalaga patuloy tayong matuto. Check my instagram post [@iskolar_studio] medyo marami rami ang post nung gumala kami sa Ilocos, where we sought out the rich treasures of Ilocandia.

Instagram: @iskolar_studio #IlocosEscapade
Sinimulan ko naman ang month of October with a breeze, i went to City of Baguio. I was with my office mates (di ba hindi nauubusan ng dahilan para gumala at mag unwind). Eto ata yung mga panahong kailangan ko isigaw ang lahat ng problema ko. Sa trabaho namin, di mo maiiwasang maabsorb ang tantrums ng mga customers, dito naman kasi kami binabayaran, kasama ang stress at patience sa job description. Madaling sabihing, idaan nalang sa tawa at understanding ang customer but di mo maiiwasang magdalawang isip na bumitiw at maghanap nalang ng ibang trabaho. At yung mumunting panahong makatakas sa mga sigaw at panunumbat ng customers, simpleng kalayaan kung tutuusin. Pero sabi nga nila, yung mga customers na rude, irate at medyo bastos over the phone, sila yung mas kailangan ng understanding, patuloy lang tayong lalaban bilang biyaherong puyat. Feeling ko din photographer ako that time, mobile photography na walang extra battery or power bank man lang as back up (Malaking pasasalamat sa mga kaibigan kong laging nagdadala ng powerbanks)

Instagram: @iskolar_studio #BaguioEscapade
Masasa, Tingloy Beach, Batangas
Bago matapos ang taon, pumunta kami ng barkada sa Masasa, Tingloy Beach, Batangas. Una kong punta dito is, kasama ang team namin sa work for team building back noong February. Nakakawala ng stress ang dagat, kasama ng bawat hampas ng alon ang problemang dala dala mo, di mo na kailangan isigaw kasi aanurin at may kasamang maalat na yapos na nagsasabing di ka nagiisa. Siguro normal lang sa newbies ang maghanap ng extra curricular activities (newbie pa ba akong matatawag? hahaha) tahimik ako through out noong travel, nakatingin sa malayo at naghahanap ng sagot sa mga bato at alon. Maybe my soul is wandering around, pinakikiramdaman at nilalasap ang maalat na hangin. Sinasagot ang mga sariling tanong, patuloy tayong lalaban at bibiyahe. 

Ang natutunan ko ngayong taon, Sa bawat usad na ginagawa natin at sa bawat laban na hinaharap, may kwento tayong maibabahagi, hindi ito kwento ng kung anong meron ka at anong narating mo, kwento ng kung anong natutunan mo. Maraming magsasabi ng kung ano ano saiyo, ang mahalaga alam mong wala kang nasasaktan at tuloy lang ang paglayag at laban. Oops, medyo napadrama ang sulat ko, but thank you nakaabot ka sa part na to, hayaan mo dadamihan ko pa ang travel adventure ko. #BiyaherongPuyat. See you around ka-iskolar. 

Related Posts

#BiyaherongPuyat
4 / 5
Oleh

Subscribe via email

Like the post above? Please subscribe to the latest posts directly via email.

Let me know what you think! Gracias #IskolarAko