I wrote my articles in a computer shop nearby. Well it is not easy to type every word, because sira yun keyboard at occupied ang ibang computer, It is not easy because, kailangan mong magheadphone at lakasan ang volume para makapagconcentrate ka sa pagtatype, It is not easy because, kailangan kong makibagay sa loob at labas ng computer shop kasi di lang ako yung nagrerent, It is not easy, kailangan mong mag allocate or save ng money to publish something in your blog, It is not easy kasi hindi saiyo yung computer.
It is not easy but it is an honest challenge for me. pag maririnig mo yung tunog ng piso net, ok tapos na yung oras ko - game over. Madaling maging mahirap, minsan nga masasabi ko pang masaya pero minsan pag naiisip kong ang swerte ng maraming estudyante at kabataan na nabiyayaan ng maraming bagay pero sila mismo nagsasawalang bahala sa mga biyayang ibinigay sa kanila - sana kahit konti paulanan nyo naman kami mga rich kid.
Ano ano ba yung mga advantage ng pagsusulat sa isang computershop:
1. Economic and Financially Challenging.
Students like me, depend on computer shop and availability of free computer usage like library, community based learning center and the like, to make homeworks, term paper, research and other academic and non academic matter - to catch up for lessons and classes. Mas scrutinize at detailed ang pag gawa mo ng assignment kasi sayang sa pera kung mag ka-copy at paste ka, at irereject lang sya ng professor mo, mas masakit sya sa kagaya kong kuripot at money conscious.
Financially Challenging sya sa kagaya natin na konti ang allotted money sa ganitong larangan at eventually mapapaisip ka na mas dapat mong pagbutihan sa pagsusulat para di masayang ang pera mo at masatisfy mo ang readers mo. Advantage para sa atin ang pagsusulat at pagbloblog sa computer shop; una, di mo na kailangan bumili ng set ng computer mo, pangalawa, di mo kailangan magpainstall ng mga softwares na kakailanganin mo like MS Office, Chrome etc at pangatlo walang maintenance na kailangan bayaran kasi its either piso-net ang gamit mo or per hour ang pinag rerentahan mo. Malaking tulong sya. tooot-tooot-tooot..
2. Increases your Sociability Skills.
I was able to know other people when i visited another computer rental shop sa kabilang barangay o kaya bago umuwi ng school, marami kang nakikilala, nakakalaro at nakakausap - minsan usapan nyo parang matagal na kayong magkakakilala pero kanina lang naman (Extend pa po ako ng isang oras!) I can even get inspirations and motivational quote from them, seeing them enjoying what there doing - browsing, playing online or offline game, watching video or just doing some school thing. Minsan sisilip ka sa kanila dahil medyo matagal yung load ng page mo or nag babuffer pa yung video - magkakatinginan kayo at medyo matatawa (akward!).
3. Critical Thinking.
I was able to practice my critical thinking, my time is bounded so i have to do it fast and reliably great to make something satisfying for me as a writer. Dahil sa limited ang time, medyo time conscious ka, possible na nagmamadali ka sa pagtatype pero aminin - ang bilis ng pasok ng mga information na gusto mong ipasok sa page mo. Tipong bawat minuto ay ginto, at bawat segundo ay dyamante - di ka pwedeng gumawa ng dead air para di masayang ang oras, At sa ganoong paraang you were able to recognize time and its importance. (Toot, Toot Extend pa po ako!)
4. Minimize your Social Media dependency.
As a blogger, i have no idea of what's going on with the life of my classmates or even browsing their profiles. I have no chance to peek on their post or even read their comments on someone's post in facebook - well i used facebook but it doesn't make me someone to depend too much or necessarily a freak for someone else life (Dati ganoon ako), I used facebook as marketing preposition to know that i'm still exist in my social media circle. I learned that i have to make sure i read good, relevant and real article, encouraging and motivating quote or watch videos that catches my interest. So ang tendency, di na ako clingy to post in my facebook personal account instead i make sure that my vision as blogger is cleared and concrete - Na di ka attention seeker but knowledge seeker na (whaaat?)
5. You were able to know more about you and yourself.
I realize that life is not about luck and fortune or pot of gold after the rainbow, pagumupo ka na sa cubicle alam mo na, na di ka nagiisa at alam mong kailangan sensitive ka sa mga pages na bubuksan mo (alam ko ginagawa mo?) Malalaman mo ang kahalagahan ng pagsusulat mo kasi alam mo kung ano lang ang kaya mong ilagay, possible na konti at icontinue mo tomorrow, possible na kulang na yung pera mo at possible na kailangan mo ng umuwi - mas madaling makilala ang sarili mo, sabi nga ng quote na nabasa ko "Empty pocket teaches you a million things in life... but, full pocket spoils you in a million ways..."
I realize that life is not about luck and fortune or pot of gold after the rainbow, pagumupo ka na sa cubicle alam mo na, na di ka nagiisa at alam mong kailangan sensitive ka sa mga pages na bubuksan mo (alam ko ginagawa mo?) Malalaman mo ang kahalagahan ng pagsusulat mo kasi alam mo kung ano lang ang kaya mong ilagay, possible na konti at icontinue mo tomorrow, possible na kulang na yung pera mo at possible na kailangan mo ng umuwi - mas madaling makilala ang sarili mo, sabi nga ng quote na nabasa ko "Empty pocket teaches you a million things in life... but, full pocket spoils you in a million ways..."
Perks of no-personal-computer blogger
4
/
5
Oleh
Aeron Emmanuel