Wednesday, December 2, 2015

Gamers Don't Die, We Re-spawn!


I grew up playing video games, from Pac-Man to Super Mario, from Mortal Combat to Jin Kazama of Tekken. I grew up playing with the most fictional and fantasy based character that i admire a lot. I remember when my mom went home holding a piece of paper bag with a Play Station 1 inside, alam mo yung feeling na, eto na-eto na, bilang bata! speechless with teary eyes. I'm about 8 years old way back then but up until now, i remember how great it is.

Marami ng Dumaang games sa akin, nag try, nilaro, medyo nawili hanggang sa na-adik tipong walang uwian sa computer shop. From Warcraft III Reign of Chaos to Frozen Throne, StarCraft, Yuri's Revenge, Battle Realm, Ran Online, Ragnarok, Dragon Nest SEA, Cabal Online, Gun Bound, Rohan Online, Defense of the Ancient 2 and many more. Pag naalala ko yun ngayon natatawa ako sa mga pinagagawa ko, pero ano ba ang nagmarka sa akin at ano bang naituro sa akin ng mga games hindi lang sa paglalaro kundi sa life. 

My Top 4 Life Lesson i learned from Computer Games: 

1. Patience and Perseverance, Sipag at Tyaga. 
When you play Pokemon, you'll understand why i said patience and perseverance. If you want to be a pokemon master you have to learn to be patient, after picking your starter pokemon you have to grow and fight someone along the road, You can have a cheat codes but it is more fulfilling, if you patiently wait and push your self to grow and learn. Pag naglaro ka ng Diablo, Ragnarok or any other MMORPG, you have to patiently wait or ulit ulitin ang task or quest para makagain ng EXP points. Yun ang challenge para saiyo, kung hanggang saan at kailan ka willing ipush ang sarili mo para maka-gain. 

Everyday, nakakaencounter tayo ng ganoon - kagaya ng sa school, the same scenario with ma'am and sir, ibinigay na nung last semester yung project naito pero uulitin uli ngayong semester, maaring magkaiba ang mechanics pero the same ang output (kagaya ng thesis, na merong baby thesis-research paper-formal thesis) kala mo nag eevolve pero at the end nakakadagdag sila ng EXP points mo, mas madali nating nagagawa ang bawat part pag naalala mong "Ui tinuro na ito ni madame, nung second year tayo, ayos! (Onyok Tone from Probinsyano). 

2. Forward Thinking, Strategy + Planning = Rampage! 
Remember Plant vs Zombie or Angry Bird? Flappy Bird? you were able to know what to plan and what are the things to put in to make a good strategy, You were able to recognize the potential threat that might be a hinder for you to succeed. Yung ang O.A mo kasi super dismayado ka kasi nakain na yung halaman mo na haharang sana eh kaso wala na nagamit mo na yung lawn mower kasi dumaan na yung zombie o kaya hanggang eight ka lang sa flappy bird (i know how it feels). Sa mga Dota 1 & 2 player na kagaya ko, you know the feelings of paghihiganti pag na first blood ka o kaya napatay ka ni best friend, syempre magiisip ka na ng plan para maghiganti - medyo farm ng konti para makapagipon sa item na bubuin then when everything is set - gantihan mode na (Rampage!) 

Sa life ganoon din, we are able to recognize potential threat and resources to create an opening for opportunity to come in. Prepared ka na kaya naniniwala kang kaya mo, kagaya ng sa Feasibility Study mo, may projections ka na para sa sales at forecasted na yung demand, nagawa mo ng maayos ang lahat ng bagay kaya pag dating sa defense nai-sayos mo para pumasa, Dahil available ang time mo sa pag gawa, naiallocate mo ang time mo para sa revisions at naplano mo kung paano mo sya idedeliver sa defense. "Well Lina, fire versus laser beams, it's a timeless struggle." Tinker

3. Leadership and Socialization
In an Online MMORPG, you usually encounter leading a party group or joining in a guild. You were able to know your potential support for your party member, know their skills and guide them to grow while you are growing as well. Sa Dragon Nest SEA, ang pinaka na enjoy ko sa lahat pag may party, kahit member lang ako - alam mo yung intense yung game at willing yung mga online friends mo kahit noob at amateur ka pa lang. Marami pa kagaya ng sa Cabal at sa RAN online, yung feeling na kala mo di ka nila papansinin kasi pag nakita mo yung set pa lang nila intimidated ka na pero isang chat mo pa lang willing silang tumulong at ganoon ka din pag may nagtatanong ng ganyang quest, items or location willing kang sumagot (ano? snob ka? feeling mo pro ka na? haha) 

Sa maraming bagay natin pwede itong iapply, sa group project, seminars or workshop, kahit sa normal na pang araw araw mo lang. Kaya mo naman makipagusap kaso sa kakilala lang o kaya sa ka close mo, huwag ganoon - sabi nila in order to lead people you have to lead yourself, eh paano mo ilelead ang sarili mo kung di ka marunong makipag socialize? (Think of it, di ba?)  

4. Mental and Creative Prowess
Sa pag gawa mo ng character, may creativity na tipong etong gusto kong mata, buhok, complexity, initial na armor or damit. Nagagawa mo kung anong sa tingin mo ok lang, walang limitation, walang judgement, walang discrimination, ok lang kahit anong itsura mo sa virtual world. Nagagawa mo ang mga bagay na di mo akalain, gumawa ng bahay o palasyo sa mine craft or kaya gumawa ng battalion of creeps sa warcraft, pwede kang mag mix match ng armor para sa hero mo sa DOTA 2 o kaya character mo sa Diablo 3, kakaiba kung sa iba pero para sa atin, eto ang astig! eto ang gusto ko. 

Sa ganoong paraan nagagawa natin ienrich, iexercise at ienjoy ang creativity natin. Sa life nagagamit ko to, at alam ko ganoon din kayo - mapa academic, arts, sports or daily lives. Akala ng marami, bad influence ang video games, maraming negative comment, alam natin na pag sobra na - dun na nakakasama ang isang bagay kaya moderate lang - mas challenging pag controlled mo ang situation mo as student-slash-gamer, kaya ikaw ka-iskolar kung sobra na tama na, ano sobra na ba?

Related Posts

Gamers Don't Die, We Re-spawn!
4 / 5
Oleh

Subscribe via email

Like the post above? Please subscribe to the latest posts directly via email.