Sometimes i end up dumbfounded, honestly sometimes nothing running inside my head and most of the time - absurd stuff is making inside of my mind. Ganoon naman tayo, minsan nawawalan tayo ng pagasa pag alam mong malaki ang problema, maraming pangpalipas oras na kumokonsumo sa atin at the end di na natin nasagot ang problem kumbaga sa chess - checkmate ka na. Here is my eight necessary tool to make your thinking strong, supported by Study Guides & Strategies:
Re-think:
Look at a challenge in new or unusual ways. Humanap ka ng paraan na kung saan hirap yung iba, yung kinatatamaran ng iba, yung tipong iba sa paningin ng marami at unique sa paningin mo. Pag tinignan mo yung problem wag isang angulo lang bigyan mo ang sarili mo ng bagong perception. It is actually challenging when you felt that problem is quite cornering you, as if you are running out breath to make it through but the most anticipated part of it, is when you find out "How".
Di ba hirap ka sa pinapagawang Business feasibility study ng prof nyo? What if tignan mo ang sarili mo bilang business man. Mas madaling gumawa ng Business proposal kung ikaw mismo naniniwalang negosyante ka. Lagyan mo ng conflict of interest yung feasibility study, bigyan mo ng kakaunting kulit. If you thoroughly believes into it - it eventually drives you to think double to make it happen.
Naghahanap ka ngayon ng Internship? Saan ka nag excel sa mga klase mo before ang Internship? ano pa yung mga pinagkaabalahan mo before and internship? Posible kasing may connect ang bawat isa dito. Gandahan mo ang profile at portfolio mo, ilagay mo yung mga pinagkaabalahan at interest mo. Gumawa ng mga profile sa Jobstreet at other professional networking sites like LinkedIn, GreenGrad at iba pa. Sa ganoong paraan mas madaling malaman kung saan at ano ang mga gusto mo pangalawa mas madali para sa mga kumpanya na kilalanin ka at magkaroon ang initial screening.
Visualize:
Picture your problem and its solutions. Map it! Mag-imagine ka na ikaw mismo yung negosyante, nagiisip ka kung paano mo gagawing marketable yung product mo. Gumawa ka ng isang buong picture sa isipan mo ng business model and structure (isulat mo na o kaya literal na idrawing mo sa papel para mas madaling pag gayahan).
Gumawa ka ng isang map or chart ng mga pwede mong pag OJT-ihan, Gawa ka ng graph na kung saan ang pinaka malapit na pwedeng pag applyan, kung saan may allowance (practical na), kung saan magandang ang training environment na related sa field na gusto mo. Mas masaya yung medyo pinagiisipan mo ahead of time para di time conssuming at di ka pressured (ang panget pag ikaw nalang sa klase yung wala pang internship).
Produce:
Don't be lazy! Get busy! Wag kang pabida, ano? di porket naisip mo na kusa nang gagalaw yun. Kailangan mong mag exert ng effort kung gusto mong mangyari yun. Wag mo ng intayin na magalit pa si prof dahil di natapos ang chapter 2 mo sa feasibility. Mas maaga, mas maganda, mas maaga, mas less hussle - kailangan mong bigyan ng dobleng effort ang lahat ng bagay at early stage. Di naman kasi gagalaw ang chapter 3 & 4 kung ang chapter 2 di pa tapos.
Pangalawa di ka lalapitan ng mga kumpanya, feeling mo napakalaki mong asset sa kumpanya? tigilan mo kami, kung ganyan ang mentality mo, huwag kami, iba nalang. Kailangan magtanong ka sa mga kaibigan, kamaganak, pinsan, bestfriend, teacher, classmates at kahit sa mga admin kung saan pwede mag intern as early as possible, gumawa ka ng comprehensive contact notebook para sa ganoon madali ang tracking system mo (woohooo parang intel's lang ng pentagon)
Combine:
Make new combinations-- in considering options, put them all on the table to find grains of truth or possibility. Then refine! Pagnasimulan mo na ang Chapter 2 para sa marketing study ng business plan dapat ireread mo sya several times, pag may doubt ka - wag mong isa walang bahala, gawa ka ng matrix ng mga data mo then make combinations like demand-supply analysis, swot analysis, gap analysis o kaya hanap ka ng pwedeng ireference. Kailangan workable at realistic ang data para sa ganoon maganda ang projection mo sa sales at production volume.
Sa pag O-OJT-ihan mo, di ba nakakuha ka na ng mga contacts mo mula sa mga kakilala mo, gawa ka ng matrix kung saan malapit, may allowance, related sa field mo (syempre alam ko isasama mo sa listahan kung saan mag tra-training si bestie, naku kilala kita)
Form relationships
Make connections--similar to mapping but adding text as to why concepts connect. Gawa ka ng isang listahan kung saan konektado ang bawat chapter nyo. Mas madali kasing magbigay ng assumption kung ikaw mismo organize sa data at alam mo kung saan kukunin ang mga data (easy access baga). Sa listahan mo i-map mo kung bakit si chapter 2 data sa market connected sa chapter 3 technical at equipment o sa papaano at bakit si chapter 5 socio economic study connected sa chapter 6 management study. Ie-elaborate mo para sa ganoon madali ang assumption at description ng bawat relationship.
Ngayong may matrix ka na ng mga contact mo, ichecklist mo kung ano yung pinaka magaan sa loob mo at sa bulsa mo sa paghahanap at pag aapplyan na training station. Mas masaya ang training kung ikaw mismo enjoy sa pinag tratrabahuhan mo. Isa isip mo kung magiging masaya ka ba or not.
Think in opposites
Often extremes present middle ground where solutions lie. Well, kung sa tingin mo may doubt ka pa din sa mga pinagagawa natin (itali mo na ako at barilin sa bagong bayan, jowk) Think opposite, bakit di nagwork out ang demand analysis natin? di kaya may problem sa questionnaire nyo? bakit kaya ako di tinatawagan ng pinagaplyan ko? di kaya masyadong comprehensive ang profile ko? di kaya masyado ng madetails ang resume ko na umabot ng 13 pages? Katulad ng sinabi ko bigyan mo ng panibagong angle ang problema. Baka kasi nagpaka emotional ka na sa bawat detail, chill lang - ienjoy mo ang bawat himay ng pagaaral at pagiisip.
Fail:
Learn from experience: think as if you have eliminated a solution toward finding one that does. Mas madaling gawing tama ang mga bagay na nadaanan mo na, mas madaling husgahan ang pagkakamali kung ikaw mismo nagkamali na. Minsan gawin mong basehan yung pagkakamali mo para sa ganoon yung susunod mong gagawin tama na, pangalawa gawin mong basehan ang pagkakamali ng iba para sa ganoon tamang desisyon na ang gawin mo (hindi laiten, yung totoo? alam ko malakas ka mang lait pero this time, tama na yan (pabebe gurl tone)).
Practice patience
Outlast the challenge! Pasensyoso ka dapat sa lahat ng pagkakataon, kailangan ma-absorb mo lahat ng idea at mga bagay na naisip mo. Bigyan mo ng nurturing device ang mga bagay, in order to grow. Alam ko matrabaho pero kailangan mong maprove sa sarili mo hindi sa iba na kaya mong maging iba - sa pagiisip, sa pag gawa at sa pag abot ng pangarap. (tama na yan (pabebe gurl tone)). It is actually alright to find out you are out of piece to back fight from a chess, as long as your king is surviving, keep-on striving.
Thinking Creatively
4
/
5
Oleh
Aeron Emmanuel