Matagal na din nung muli kong gawing liham ang isang post ko saiyo, malaki na ang pinagbago mo, minsan nga di na kita kilala, minsan ang hirap mo ng basahan ng kwento, minsan ikaw na mismo ang mahirap basahin. Malaki ang pinagbago mo, mula ng noong tumungtong ka ng kolehiyo. Sa bawat saya at tawa, nakikita kong malaki at maganda ang idinulot ng buhay kolehiyo mo, di mo na nga ako matignan ng tuwid sa salamin. I knew there are a lot of things bothering you lately, you are pressured from a lot of people around you. you are pressured for all things that most people expecting but that's alright, you did your best and i'm very proud of you.
Naalala mo ba nung bago ka umakyat sa stage noong graduation ng highschool? Huminga ka ng malalim, bago mo tanggapin ang medalya at mga parangal na ibinigay saiyo. Sinabi mo sa sarili mo na wala ng atrasan, tapos ka na ng highschool at hinanda mo na ang sarili mo sa kolehiyo.
Matagal na tayong magkaibigan, mula noong una mo akong nakilala sa harap ng salamin, ako ang takbuhan mo sa bawat pagpupunyagi at pag-iyak.
Nandun ako noong mga panahong walang wala ka, nandun ako noong ikaw at ako lang ang magkasama sa paglalakad pauwi, nandun ako noong panahong kailangan mo ng kasama sa pagiyak dahil sa di nakakatuwang biro ng klase saiyo, nandun ako noong ikaw at ako lang ang magkasama sa gutom at hapdi ng sikmura, highschool ka pa noon at ngayon ganap ka ng Kolehiyo. I never hide myself but i put myself into abyss just to make sure that today will be the starting line of all the bliss and pleasure. All the fleece that i did is just to make sure you are now making great, along with great people.
Sa unang araw mo sa Kolehiyo, hinayaan kong iwan mo ako - alam mong di ako magsasalita sa harap ng maraming tao. Alam mong takot akong humarap at magsalita sa harap ng marami. Pero ikaw na mismo ang gumawa ng paraan para magbago. Ikaw na mismo ang pumili ng landas ng buhay kolehiyo kahit alam mong walang kasiguriduhan. Ginawan mo ng maliliit na hibla ng kwento ang buhay mo para sa ganoon magmukha syang makulay sa pandinig ng iba. Hinayaan ko yun para sa ganoon maging magaan ito sa paraang gusto mo.
Hindi kita pinigilan na sumali sa university choir, maging class president, maging organization's representative, hindi ko hinandlangan ang lahat ng hilig mo - mula sa pag gala at pag alis sa bahay na di mo ginagawa noon. Hindi ako pumigil sa pagsama mo sa mga taong alam kong ikaw mismo'y nagduda pero pinili mong makitawa, makisaya at gumawa ng mga ala- ala. Alam kong maiksi ang apat na taon nyo para masabing isang matatag na magkakaibigan pero sa mga ngiting nakita ko - malayo sa mga matang nasilayan ko noong highschool ka at lubos akong nagagalak.
Marami ng nabago sa gaya mong masipag noon sa pagbabasa at pagsusulat ng notes noong highschool, nagagawa mong umasa sa sulat ng iba, di ka na nagbabasa kasi alam mong iyon at iyon din ang lalabas mula sa nabasa mo noong chapter 1 sa Principles of Management. Di mo na nagagawang makinig ng isang daang porsyento sa professor mo di kagaya nung nasa highschool ka. Natatapos mo na ang mga projects at assignments mo week before ang weekly meeting nyo ni ma'am - once a week lang kasi tayo kaya ok lang saiyo, di kagaya noon everyday parang preliminary round sa isang quiz bee competition.
Marami ng nagbago sa kagaya mo noong di kayang magpakilala sa harap ng maraming tao, naalala ko tuloy noong nag emcee ka noong 3rd year highschool sa Acquiantance party ng school natin. Ngayon nagagawa mo ng magsalita at magparticipate sa iba't ibang seminar at workshop - pero aminin mo man o hindi alam kong kinakabahan ka pa rin. Di ka na nagiintay ng instruction mula sa mga professors mo sa mga project, pag binigay na ang mechanic go ka na sa pag gawa, nakakatuwang di nawala ang kasipagan mo. Maaring maraming nagbago sa kagaya mo pero alam ko nanatili pa rin saiyo lahat ng aral at values na turo ng mga school na pinasukan natin
Wag kang mangamba sa mga pagkakamaling nagawa mo, alam ko paranoid ka at higit sa lahat para kang ewan kung magisip sa kung ano iniisip ng iba. Gawin mo lang ang sa tingin mo tama at nakakapagpagaan ng loob mo, gagabayan ka nilang lahat mula sa taas at nandito lang ako nagbabantay. Alam ko ang exaggerated na ng liham ko at tandaan mo proud na proud ako saiyo bilang isa mong kababata at kaibigan.
Lubos na Gumagalang
Ala-Ala
Liham ng Buhay Kolehiyo
4
/
5
Oleh
Aeron Emmanuel