Way back when i was in my first year one of my professor asked me "which one would you choose between pencil and an eraser?" Well, dahil sa nagba-bufffing pa ang utak ko, huminga muna ako ng malalim bago sumagot. Parang humugot muna ako sa pinaka malalim na parte ng pagkatao ko bago ko maibigay: I'll rather choose to have a pencil, I'm an artist - i do sketching, i do drawing, i might have an opportunity to erase everything from my past but i chose to continue, living without regret, breathing like no more air,
Sinabi kong Art is in me, when i introduce myself in front of the class, ako din naguluhan sa sinabi ko - pero ngayong patapos na ako dun ko napatunayan, hindi lang pala sa papel ako pwedeng gumawa ng likha pero ganoon din sa kung paano makitungo sa tao at sa marami.
May mga pagkakataon tila ako'y nagtatanghal sa sarili kong kwento, nagpapanggap sa mga kwentong ako mismo ang sumulat - humubog ako ng mga taong magiging bida at kontrabida sa sarili kong teatro. Gumawa ako ng maraming katha na ako mismo ang direktor at artista, ako ang sumulat ng walang bura bura at ang tawag ng lipunan sa mga katha ko - desisyon.
Sa desisyon natin sa buhay, marami ang magsasabi kung ano ang tama at mali, kung ano maganda at panget, huhusgahan, tatawanan at kukutyain pero sa dulo hindi naman sila makikisalo sa sakit - maaring makinabang sa mga positibong ganap pero pustahan tayo, nagdadalawang isip yan para tumulong.
Sa desisyon natin sa buhay, minsan hindi natin namamalayan may mga bagay na mas masaya, mas marami ang kwento ng tawa at halakhak, mas marami ang kwento ng ngiti at galak pero sa bawat iyak at lungkot - nilulukot mo ang papel na, sanay bahagi ng kwentong masaya. (Hindi ko alam kung nagiging makata ako sa ganito.)
Desisyon ang nagturo sa akin maging matatag sa pagiging buhay kolehiyo, hinayaan kong maging bahagi ng malaking kwento ang lahat ng desisyong ako ang pumili, may mga desisyong pinaghinayangan, may mga desisyong petiks, may desisyong ok lang, may desisyong go ako dyan. Marami tayong pinipili kung saan tutungo at eto ang natutunan ko kung magiging masaya ka sa lahat ng pipiliin mo, kung magiging parte ba ang desisyon mo sa humahabang listahan at litrato ng kasiyahan. - yun ang magiging basehan mo, yun ang magiging standards mo.
Mahirap isantabi ang mga factors to consider like: parents, money, time, relationship etc. these are the factors that normally affect you everyday. But then again, you can make simple things out of it, if your parents doesn't allow you to go outside - go inside and have a skype conversation with your friend, make a great movie marathon with them through video conference. Money, it is actually a global excuse (ako din) but then again - money is money, you can make savings, you can make generating funds like side-business, render some writing services, do some homeworks etc. to support your wants (wag ka nang umasa kala mudra & pudra about your get-along activities, pls naman) Masaya yung may mga struggles na ganito because na chachallenge ka to continue. I really believed that not everyday is Pasko, hindi lagi may grasya, hindi lagi positive pero ok lang hindi lilipas ang araw ng hindi ka makagagawa ng paraan.
Tatanungin kita bilang isa iskolar, kung ikaw ang papipiliin ano ang gusto mo lapis o pambura?
Lapis o Pambura
4
/
5
Oleh
Aeron Emmanuel