Sunday, November 15, 2015

Broken Reflection


Seeing yourself, as if you were standing in front of a mirror is like staring to a void of full of surprises. Doble Kara lang ang theme. Nakakagulat minsan yung mga bagay na akala mo di mo kayang gawin - pero dahil sinubukan mo, nakakaproud diba? may naalaala ka bang ganito? yung papilit ka pa sa mga friendship mo, gagawin mo din naman pero aminin mo habang nakatayo ka sa marami, nagpapangap kang malakas, masabi lang na in-ka sa grupo. 

Marami sa atin, pinipilit nating makibagay sa marami, pinipilit maging isa sa crowd pero at the end tayo lang ang napapagod. Isa akong people pleaser noon, gusto kong makijoin-in sa kung anong gusto nila, gusto kong masabing kaibigan nila, gusto kong maging bahagi ng mundo nila - kahit nakakapagod sa pagsunod sa mga kung ano anong bagay - mapa assignment, project, term paper etc. Oo ka ng Oo sa mga bagay na di ka naman obligadong gawin pero pinilit mo para lang may magsabing - kaibigan ka nila. 

Pinilit kong gawin ang mga yun para lang may magsabing "Ui! Bro! Salamat!" o "Ui! Best! Thank you!". Pero sino ba talaga ang talo? ako o sila? napapaisip ako minsan, sila kasi ang nagturo sa aking maging independent ako, sila ang nagturo sa akin gawin ang mga akala ko noon mahirap - yung obligasyong akala ko, nagpahirap sa akin noon syang magpapagaan sa akin ngayon. Naging aware ako sa mga school project at assignments, naging aware ako sa mali ko sa grammar (though hanggang ngayon nag aaral pa rin ako), naging mas madali sa akin gumawa at magconstruct ng mga bagay na akala ko kailangan ng grupo pero hindi pala at lubos akong nagpapasalamat at naging bahagi yun ng kwento ko. May mga chances na ikaw mismo ayaw ng mga yun. 

Mga Symptoms na ikaw ay isang example: 

Isa kang tense sa kung anong sasabihin ng iba, tipong lagi mong tinatanong kung anong reactions nila - ano? galit ba sila? ano? may nasabi ba akong mali? 

Isa kang time conservative, you usually asked time. Importante saiyo ang time at usually, nagawa mo na ang mga assignment mo bago pa sabihin ng professor (O.A naman, well minsan two days after maibigay ang mechanics tapos ka na)

Isa kang time depot, you patiently wait for other people to consume your very precious time. Ako mas mabuti ng mas maaga ako kaysa sa kanila kesa may masabi pa sila. At hindi nila makita ang significance nun, pangalawa wala silang respect dun kasi feeling nila executive sila.

Lagi kang  nagvovolunteer sa gawaing hindi ka naman dapat ang gagawa at hindi naman dapat ivolunteer (hilahin yan sa bagong bayan! dun hatulan ng kamatayan!) ganoon talaga para lang masabi kang one of the team.

Sa gawain, ikaw mismo yung assignment centre nila, kala mo pinaswesweldo ka sa pinagagawa, ikaw naman martyr - go ng go sa pagawa, (well, marami akong natutunan sa pag gawa ko ng ganoon, ng ganyan)

Marami pa noong highschool, ganoon ako, kaya noong college pinilit kong maging independent - naniwala ako sa sarili ko na kaya ko at magagawa ko all alone (but at the end mali ako, see my next article about finding treal (True + Real) friends in college). 

Sa mga kagaya ko, na pinipilit maging bahagi ng ibang kwento ng ibang tao, maging bahagi ng circle of friends ng mag campus famous - teme ne yen! (pabebe tone), sometimes it is worth walking alone than with people full of thorns, ikaw at ikaw lang ang masasaktan at sa huli ikaw lang ang tatawagin nilang talunan. 

Sa mga kagaya ko na pinilit at ipinilit ang sarili - Congrats! Nalagpasan na natin ang maging isang martyr sa mga taong ikaw mismo ayaw ka nilang maging bahagi ng nobela nila, ok lang yun. Atleast nagiwan sila ng mga aral na magagamit mo sa pagpapatuloy sa pagsulat mo ng buhay. iisa lang ang ballpen mo't ikaw yun, huwag ka ng makihiram ng ibang papel tumutok ka nalang sa mala-manila paper mong buhay at gawin silang hakbang sa pagharap sa buhay. 

Related Posts

Broken Reflection
4 / 5
Oleh

Subscribe via email

Like the post above? Please subscribe to the latest posts directly via email.