Hindi ko po alam kung saan ako magsisimula, alam at ramdam ko nahihirapan na kayo sa mga bayaring aking hinihingi, alam at ramdam ko na pagod na kayo sa mga bayaring aking ginagastos.
Minsan nagdadabog, minsan bumubulong, minsan umaayaw sa mga utos nyo - masakit sa akin na makita kayo na nahihirapan sa mga gastusing ako dapat ang gumagawa ng paraan, kolehiyalo ako, Bente't may maayos na pangangatawan pero eto't umaasa ako kay mama at papa.
Tawag ko sa sarili ko independent student sa loob at labas ng classroom pero sa loob at labas ng bahay isa akong dumedependeng anak. Nakikita kong nagpupursigi kayo pareho sa mga trabaho at negosyo nyo, lubos ko kayong pinasasalamatan, hinahangaan at minahal ng lubos, bahagi kayo ng pagkatao at kung paano nabuo ang mga mumunting pundasyon ng kung ano ako ngayon.
Alam ko kung gaano kasakit para sa isang magulang pag di nya kayang punan at ibigay ang mga pangangailangan at hiling ng isang anak, parang sa loob ng school - masakit para sa amin, pag kami lang ang di kayang bumili ng librong required ng professor. Kung gaano kasakit ang makitang ikaw lang ang walang libro ay maaring katumbas o higit pa para sainyo ang sakit - maaring wala akong libro, magagarang gadget, gimik, gala at kung ano ano pang hindi naman kailangan sa buhay - meron naman akong dalawang taong tumulong sa aking buuin ang sarili ko at lubos akong nagpapasalamat sa lahat ng suporta't pagmamahal nyo.
Alam ko kung gaano kasakit pag tayo'y nagkakasagutan - kagaya ng nararamdaman ko pag recitation sa klase at di ko alam ang sagot, para akong tinutusok ng maraming beses. para akong nakakain ng maraming sili at para akong binuhusan ng malamig na tubig, nangangatog, napapapikit, nauutal at sa huli pag tago ng mukha ko sa unan - lubos akong nagsisise.
Konting tiis nalang tatay, alam kong lubos at excited kang gruamduate ako, alam kong minsan di tayo nagkakasundo pero alam ko kung gaano ka kaproud sa akin kahit di mo ipakita. Alam ko kung gaano mo pahalagahan ang mga prinsipyo at paniniwala mo, ikaw ang una kong naging superhero at role model sa lahat ng aspeto ng buhay - kung ano ako ngayon, ay syang bunga ng kung anong ipinakita mo sa amin bilang isang ama.
Konting tiis nalang mama, alam kong marami ka ng sakripisyong ginawa - nagabroad, nagdomestic helper, nagsikap at nagtyaga ng maraming araw para lang maipadala sa akim. Lubos akong nagpapasalamat sa lahat ng mga aral at pagmamahal na ibinigay mo bilang isang ina. Ikaw ang bumuhay sa mga pangarap ko, ikaw ang una kong superside kick sa lahat ng kalokohan, hilig at mga hobbies ko - mula sa pagdra-drawing, pagususulat at kung ano ano pa.
Hindi man kagaya ng iba, na nasa mamahaling university, maaring hindi ako nakakagala sa iba't ibang panig ng pilipinas habang estudyante ako, maaring wala akong sariling kwarto, sariling kotse, magaganda at latest gadget, maaring nakiki computer lang ako, hindi man ako kasing yaman ng mga nakikita ko sa newsfeed ko, maaring ngayon mahirap kung tawagin kami pero balang araw magbabago ang lahat at alam ko mayaman ako sa pagmamahal ng dalawang taong bumuo at bumubuo sa pagkatao't pangarap ko.
Lubos na Nagmamahal,
Iskolar ni Inay at Itay
Liham ng isang Anak
4
/
5
Oleh
Aeron Emmanuel